Friday, July 29, 2016

Luto Ni Moi: Mixed Fruits Coolers

Hello guys! It's time for dessert! Ang ishshare ko ngayon ay Mixed Fruits Coolers! Bagay na bagay sa mainit at pabago-bagong weather ng Philippines! Tama po ba? Super fast and easy lang gawin ito.

Ingredients: Good for 1-2 servings
1/4 of Papaya
1/4 of Melon
1/4 of Avocado
1 pc of Banana
1/4 of Watermelon
Ice Cubes
Condensed milk
Water
Crushed Peanuts

Procedures:
1. Hiwain ng cubes ang mga prutas (papaya, melon, avocado, banana, at watermelon)

2. Pagsama-samahin sa isang baso ang lahat ng prutas.

3. Ilagay ang ice cubes

4. Lagyan ng condensed milk, ito yung pang patamis natin :)

5. Haluan ng konting water para maghalo yung condensed milk

6. Lagyan ng crushed peanuts as toppings!

7. Voila! Meron ka ng Mixed Fruits Coolers ;)




Check out my video on YouTube din po :)

Friday, July 15, 2016

Luto Ni Moi: Spicy Kangkong

Hello po sa lahat! Andito na naman po ako, si Moi! At today ay tuturuan ko kayo kung paano gumawa ng Spicy Kangkong! Napakasimple gawin nito, at the same time, madali ito ipakain sa mga bata pero syempre wag niyo nalang po lalagyan ng mga sili.

Eto ang mga kailangan na ingredients para makagawa ng spicy kangkong
1 tbs of olive oil
3 cloves of garlic
1 onion
1 g of liempo
2 tali of kangkong
2 pcs of sili
salt and pepper (add according to taste)


Eto naman ang mga procedures:
1. Painitin ang kawali gamit ang olive oil.
2. Hiwain ang liempo ng maliliit.
3. Hiwain ang garlic at ang onions.
4. Pagsama-samahin sa pan ang liempo, garlic at onions.
5. Hiwain ang kangkong ng diagonal.
6. Pag toasted na ang liempo, ilagay na ang kangkong at ang sili (kung hindi para sa bata ang dish)
7. Lagyan ng salt and pepper ayon sa panlasa.
8. Voila! Enjoy Spicy Kangkong ni Moi ;)





Mapapanood din ang video nito sa aking official YouTube Channel:

Friday, June 24, 2016

Luto Ni Moi: Chicken Ginger

Hello po sa lahat! Eto naman ang recipe ko ngayon, Chicken Ginger ala Moi. Natutunan ko ang recipe na ito nun nasa Cambodia ako. At dahil nagustuhan ko ang lasa neto, ayon, inuwi ko siya dito sa Pilipinas… At dahil mahal ko kayo, ayon, share ko siya sa inyo! ;) Napakadali lang gawin nito guys at the same time, onting ingredients lang ang kailangan. :)

Eto guys ang mga ingredients at procedures:

INGREDIENTS:
3 thighs of chicken
1/4 of ginger
6 cloves of garlic
cooking oil
pinch of salt
pinch of sugar
chili (sili) - optional


PROCEDURES:
1. Hiwain ng maliliit ang chicken, dapat tidbits lang.

2. Hiwain ang ginger ng maninipis. Hindi na kailangan balatan ang ginger dahil sobrang nipis dapat ang hiwa nito.

3. Ilagay ang cooking oil sa kawali. Dapat high heat ang apoy para mabilis maluto ang chicken.

4. Kapag mainit na ang kawali, ilagay na ang ginger at ang cloves of garlic.

5. Kapag naluto na ang garlic (brown na), ilagay na ang chicken

6. After 3 minutes, pwede na din ilagay ang sili (OPTIONAL)

7. Lagyan ng salt at sugar.

8. Igisa lang hanggang sa maluto na ang chicken. :)


and voila, meron ka ng Chicken Ginger ala Moi! :)




WATCH THE FULL VIDEO HERE! :)

Friday, June 10, 2016

Luto ni Moi: Kamote Turon

Hello everyone! Today, meryenda naman ang recipe na gagawin natin! Hindi ito ang usual na meryendang Pilipino pero, very Filipino pa rin ang mga ingredients. Oh diba? Napakadali lang din gawin ito guys at higit sa lahat, murang mura lang! :D Ito ay ang Kamote Turon ni Moi!

 So guys, here's the ingredients and procedures kung paano gawin ang Kamote Turon:

Ingredients:
Kamote (Sweet Potatoes)
Keso (Cheese)
Langka (Jackfruit)
Kondensada (Condensed Milk)
Lumpia Wrapper
Cooking oil
Melted chocolate (OPTIONAL)


 Procedures:
1. Paghalu-haluin ang kamote, cheese, langka at condensed milk.

2. I-mash ang mga ito sa isang mixing bowl.

3. Ilagay ang mashed kamote sa lumpia wrapper.

4. I-roll pataas ang lumpia wrapper na may lamang mashed kamote.

5. Para dumikit, lagyan ng tubig ang dulo ng lumpia wrapper.

6. I-fry o i-prito ang kamote turon.

7. Tanggalin ang excess oil.

8. Ipagulong sa powdered milk ang turon.

9. Pwedeng lagyan ng melted chocolate ang kamote turon. :)


Eto po ang finished product ng Kamote Turon ni Moi :)


Meron din akong video tutorial na mapapanood niyo sa YouTube:

Thursday, June 2, 2016

Luto ni Moi: Meet Moi! :)

Moi Bien - Piolo's personal assistant turned artista turned culinary enthusiast will showcase her cooking skills on YouTube! Catch her Luto ni Moi episodes na magpapakita ng restaurant style cooking sa halagang swak na swak sa bulsa!


Follow her on:
YouTube Channel - Luto ni Moi
Facebook - www.facebook.com/LutoNiMoi
Instagram - www.instagram.com/lutonimoi
Blogspot - www.lutonimoi.blogspot.com



--
www.facebook.com/cornerstonetalents
www.twitter.com/Cornerstone_TMC
Instagram: @cornerstone_ig
www.cornerstonetalents.net


Wednesday, May 11, 2016

Luto ni Moi: Tuyo Pasta

Hello guys!!!  Ako po si Moi, ito ang kauna-unahang post ko sa aking official blog, Luto ni Moi. Dito, ipapakita ko sa inyo at ish-share ko sa inyo ang aking mga paboritong recipes, mga tips para mas sosyal at maging restaurant style ang cooking na swak sa budget natin!

So, para sa aking unang blog post, ish-share ko sa inyo ang isa sa mga paboritong dish ni Papa P, ang Tuyo Pasta with Olive Oil. Isa rin ito sa mga paborito kong dish na lutuin dahil masarap na, sosyal at mura na at healthy pa.

Eto, guys, ang mga kailangan natin para makagawa tayo ng masarap na Tuyo Pasta;

Ingredients:
1/2 kG of angel hair pasta
2 pieces of tuyo (specifically, Labahita)
1/2 kG of tomatoes
4 cloves of garlic
3/4 cup of olive oil
2 pieces of green chili (siling haba)
2 pieces of white onions

At para naman sa mga procedures, sundin lamang ang mga steps na ito:
1. Hiwain ang tomato sa apat, mas maganda at mas magiging masarap ang results pag mas malalaki ang hiwa ng tomato. Mas masarap din pag mas hinog ang mga tomatoes.

2. Sunod na hiwain ang white onions, white onions ang dapat gamitin para hindi masyadong matapang at medyo may tamis pag white onions.

3. Isunod na ihanda ang garlic.

4. I-prito ang tuyo o ang labahita pagkatapos ay himayin ito at tanggalan ng mga tinik.

5. Ngayon, ay sisimulan na nating paghalu-haluin ang mga ingredients para magawa na natin ang ating pasta sauce.

6. Ilagay muna ang olive oil, pagkatapos ay ang onions, then ang bawang.

7. After 1-2 minutes, tsaka naman ilagay ang tomatoes. Tsaka, ilagay ang sili.

8. Takpan for 5 minutes at hintayin maluto ang pasta sauce.

9. Habang naghihintay na maluto ang ating pasta sauce, simulan na nating lutuin ang angel hair pasta natin. Pakuluan lamang ito sa mainit na tubig.
TIPS: 
-Para hindi magdikit-dikit ang pasta maglagay ng asin at oil sa tubig
-Pwede din na lagyan ng bawang ang tubig para mabango ang pasta

10. After maluto ang pasta at ang pasta sauce, it's now time for plating! Pwedeng maglagay ng cheese, pwede din na wala. It's up to you, guys.

So, eto na ang finished product natin, ang Tuyo Pasta ni Moi:


Watch my full video here! ;)