Friday, June 10, 2016

Luto ni Moi: Kamote Turon

Hello everyone! Today, meryenda naman ang recipe na gagawin natin! Hindi ito ang usual na meryendang Pilipino pero, very Filipino pa rin ang mga ingredients. Oh diba? Napakadali lang din gawin ito guys at higit sa lahat, murang mura lang! :D Ito ay ang Kamote Turon ni Moi!

 So guys, here's the ingredients and procedures kung paano gawin ang Kamote Turon:

Ingredients:
Kamote (Sweet Potatoes)
Keso (Cheese)
Langka (Jackfruit)
Kondensada (Condensed Milk)
Lumpia Wrapper
Cooking oil
Melted chocolate (OPTIONAL)


 Procedures:
1. Paghalu-haluin ang kamote, cheese, langka at condensed milk.

2. I-mash ang mga ito sa isang mixing bowl.

3. Ilagay ang mashed kamote sa lumpia wrapper.

4. I-roll pataas ang lumpia wrapper na may lamang mashed kamote.

5. Para dumikit, lagyan ng tubig ang dulo ng lumpia wrapper.

6. I-fry o i-prito ang kamote turon.

7. Tanggalin ang excess oil.

8. Ipagulong sa powdered milk ang turon.

9. Pwedeng lagyan ng melted chocolate ang kamote turon. :)


Eto po ang finished product ng Kamote Turon ni Moi :)



Meron din akong video tutorial na mapapanood niyo sa YouTube:

0 comments:

Post a Comment