Wednesday, May 11, 2016

Luto ni Moi: Tuyo Pasta

Hello guys!!!  Ako po si Moi, ito ang kauna-unahang post ko sa aking official blog, Luto ni Moi. Dito, ipapakita ko sa inyo at ish-share ko sa inyo ang aking mga paboritong recipes, mga tips para mas sosyal at maging restaurant style ang cooking na swak sa budget natin!

So, para sa aking unang blog post, ish-share ko sa inyo ang isa sa mga paboritong dish ni Papa P, ang Tuyo Pasta with Olive Oil. Isa rin ito sa mga paborito kong dish na lutuin dahil masarap na, sosyal at mura na at healthy pa.

Eto, guys, ang mga kailangan natin para makagawa tayo ng masarap na Tuyo Pasta;

Ingredients:
1/2 kG of angel hair pasta
2 pieces of tuyo (specifically, Labahita)
1/2 kG of tomatoes
4 cloves of garlic
3/4 cup of olive oil
2 pieces of green chili (siling haba)
2 pieces of white onions

At para naman sa mga procedures, sundin lamang ang mga steps na ito:
1. Hiwain ang tomato sa apat, mas maganda at mas magiging masarap ang results pag mas malalaki ang hiwa ng tomato. Mas masarap din pag mas hinog ang mga tomatoes.

2. Sunod na hiwain ang white onions, white onions ang dapat gamitin para hindi masyadong matapang at medyo may tamis pag white onions.

3. Isunod na ihanda ang garlic.

4. I-prito ang tuyo o ang labahita pagkatapos ay himayin ito at tanggalan ng mga tinik.

5. Ngayon, ay sisimulan na nating paghalu-haluin ang mga ingredients para magawa na natin ang ating pasta sauce.

6. Ilagay muna ang olive oil, pagkatapos ay ang onions, then ang bawang.

7. After 1-2 minutes, tsaka naman ilagay ang tomatoes. Tsaka, ilagay ang sili.

8. Takpan for 5 minutes at hintayin maluto ang pasta sauce.

9. Habang naghihintay na maluto ang ating pasta sauce, simulan na nating lutuin ang angel hair pasta natin. Pakuluan lamang ito sa mainit na tubig.
TIPS: 
-Para hindi magdikit-dikit ang pasta maglagay ng asin at oil sa tubig
-Pwede din na lagyan ng bawang ang tubig para mabango ang pasta

10. After maluto ang pasta at ang pasta sauce, it's now time for plating! Pwedeng maglagay ng cheese, pwede din na wala. It's up to you, guys.

So, eto na ang finished product natin, ang Tuyo Pasta ni Moi:



Watch my full video here! ;)

0 comments:

Post a Comment