Hello po sa lahat! Andito na naman po ako, si Moi! At today ay tuturuan ko kayo kung paano gumawa ng Spicy Kangkong! Napakasimple gawin nito, at the same time, madali ito ipakain sa mga bata pero syempre wag niyo nalang po lalagyan ng mga sili.
Eto ang mga kailangan na ingredients para makagawa ng spicy kangkong
1 tbs of olive oil
3 cloves of garlic
1 onion
1 g of liempo
2 tali of kangkong
2 pcs of sili
salt and pepper (add according to taste)
Eto naman ang mga procedures:
1. Painitin ang kawali gamit ang olive oil.
2. Hiwain ang liempo ng maliliit.
3. Hiwain ang garlic at ang onions.
4. Pagsama-samahin sa pan ang liempo, garlic at onions.
5. Hiwain ang kangkong ng diagonal.
6. Pag toasted na ang liempo, ilagay na ang kangkong at ang sili (kung hindi para sa bata ang dish)
7. Lagyan ng salt and pepper ayon sa panlasa.
8. Voila! Enjoy Spicy Kangkong ni Moi ;)
Mapapanood din ang video nito sa aking official YouTube Channel:
0 comments:
Post a Comment